Anak ibinenta para makabili ng cellphone

ISANG ama ang dumulog sa himpilan ng pulisya upang mabawi ang kanyang anak na ibinenta ng kanyang dating live-in partner upang may maipambili lamang umano ng cellphone sa La Union.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame nagpatulong sa isang radio station ang lalaki na kinilalang si Emiliano Rivera, 42, residente ng Tubao, La Union upang ilapit siya sa mga awtoridad para mabawi ang kanyang anak.

Sinasabing ibinenta ng kanya dating live-in partner ang kanyang limang taong gulang na anak sa halagang P10,000 noong Enero 17 sa hindi pa kilalang pamilya.

Sa salaysay ni Rivera, mismo ang babae ang nagsabi rin sa kanya sa pamamagitan ng text message na ibinenta nito ang anak para lamang may pambili ng cellphone at pagkain.

Lumalabas na iniwan ng lalaki ang kanyang live-in partner noong Setyembre 29, 2011 matapos ang tatlong beses na maaktuhang may kalaguyo.

Sa loob ng walong taon at tatlong buwan na pagsasama, tatlo ang kanilang naging anak.

Nasa poder ngayon ni Rivera ang panganay habang nasa pangangalaga ng kanyang ate ang bunso at ang pangalawa naman ay kinuha ng kanyang dating live-in at saka ibinenta.

Sa ngayon, desidido si Rivera na kasuhan ang dating kinakasama at mabawi ang kanyang anak sa tulong ng mga pulis at Department of Social Welfare and Development.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply