Anak na graduating nakabuntis: Ama nagpakamatay

NAGPAKAMATAY ang isang 49-anyos na ama makaraang labis na maghinanakit umano sa anak na graduating ngunit nakabuntis sa Camarines Norte.

Gamit ang nylon chord, tinapos ng biktimang si Ruben Sy ang kanyang buhay sa Barangay Pabrica, San Vicente ng nasabing lalawigan.

Nabatid na nakatakda sanang magtapos sa kolehiyo ngayong buwan ang kanyang anak na si Rommel ngunit nadiskubre ni Ruben na nakabuntis ito.

Mula nang malaman ng ama na ang kanyang anak na iginapang niya makatapos lamang sa pag-aaral ay makabuntis, hindi na ito mapakali at naging matamlay na.

Bandang alas-9:00 ng gabi nang matagpuan na lamang na nakabitin sa kanilang bahay ang katawan ni Ruben na isa ng malamig na bangkay.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply