Anak ng karpintero valedictorian ng PMA Class of 2012

ISANG anak ng karpintero at tubong Batangas ang hihiranging magna cum laude ng Philipine Military Academy (PMA)’Bagong Kawal na may Iisang Lakas’ o ‘Bagwis’ Class of 2012.

Bukod dito, tatanggapin din ni Cadet First Class Tom Puertollano, 21, tubong St. Joseph, Lipa City, Batangas, ang Presidential Saber’s award, Academic Excellence award at siyam na iba pang parangal.

Si Puertolollano ang nanguna sa 187 na kadete na magtatapos sa akademya na binubuo ng 168 na lalaki at 19 na babae.

Kinilala ni PMA superintendent B/Gen. Nonato Alfredo Peralta ang iba pang nanguna sa mga magsisipagtapos na kinabibilaqngan ng number 2 na si Cadet First Class Jose Mari Cabrera ng Cebu City; ang ikatlo na si Cadet First Class Lucien Jay Caiman ng Fort Bonifacio, Taguig City; ika-apat na si Cadet First Class Angeline Osorio Esmeria ng Taguig City at ang ikalima na si Cadet First Class Jethro Olavidez ng Zamboanga Sibugay;

Kabilang din sa mga nanguna ay ang pang-anim na si Cadet First Class Aron Lessler Regimen ng Tanauan City, Batangas; ikapito si Cadet First Class Dyan Carl Tolledo Cabigas ng Bagong Silang, Caloocan City; ikawalo si Cadet First Class Fel Balambao Saguin ng San Isidro, Mahayag, Zamboanga Del Sur; ika-siyam si Cadet First Class Rone Jo  Manganaan ng Rosales, Pangasinan; at ika-sampu naman si Cirstopher Cirbo Juan ng Tagum City, Davao Del Norte.

Ang 102 sa mga ito ay pupunta sa Philippine Army (91 lalaki at 11 babae), 37 sa Philippine Air Force (36 lalaki at 1 babae) at 48 sa Philippine Navy (41 lalaki at 7 babae).

Sa ngayon handa na ang PMA para sa graduation ceremony ng mga kadete sa Marso 18, 2012, araw ng Linggo na pangungunahan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino bilang commander in chief.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply