Andal Ampatuan Sr. naghain ng ‘not guilty plea’

NAGHAIN ngayon “not guilty plea” si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., sa ginawang arraignment sa first-count ng electoral sabotage na isinampa ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Ang not guilty plea ay ipinahayag ng matandang Ampatuan sa harap ni Pasay City RTC Judge Branch 112 Jesus Mupas nang i-interpret ng kanyang anak na si Mico ang kabuuan ng impormasyon at nilalaman ng demanda sa salitang Maguindanaoan laban sa dating gobernador.

Habang binabasa ng court interpreter ng Branch 112 ay sinasabayan ang pagbabasa ng anak at nang tanungin, umiling na lamang si Ampatuan na nangangahulugan ng pagpapahayag ng not gulity.

Matapos ang arraignment agad na bumaba ng korte si Ampatuan Sr., at inagapayan ng naka-full battle gear na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para muling ibalik sa kanyang piitan sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Huningi ng limang-minutong reset si Judge Mupas para naman isunod ang pagbasa ng sakdal kay dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr., na nahaharap din sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply