Andal Sr. dinala sa Heart Center para masuri

DALAWANG linggo matapos maratay dahil sa pagsusuka ng dugo, lumabas na kaninang umaga sa AFP Medical Center si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ang Ampatuan clan patriarch ay dinala sa Philippine Heart Center (PHC) sa Quezon City para sa serye pa ng eksaminasyon bago tuluyan itong dalhin sa kanyang detention cell facility sa Taguig City.

Nabatid na sinimulan na ng kanyang mga doktor ang ilang pagsusuri kay Amptuan kaninang tanghali at inaasahan itong matatapos mamayang hapon o gabi.

Ang pag-alis ni Ampatuan sa AFP Medical Center (dating V. Luna Hospital) kaninang dakong alas-8:00 ng umaga ay dahil sa kautusan ng Quezon City Regional Trial Court.

Matatandaang isinugod si Ampatuan sa AFP Medical Center nitong Marso 9 matapos sumuka ng dugo sanhi ng lumalalang sakit sa bituka o ulcer.

Si Ampatuan ay suspek sa 2009 Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply