Ang lakas daw maka-Aiza Seguerra ng bagong look ni Charice! (Hahahahaha!)

PINAG-UUSAPAN ang bagong hitsura ni Charice Pempenco. Ang lakas daw maka-Aiza Seguerra dahil gupit lalaki at may tattoo rin sa braso.

May reaksyon kaming nabasa sa Facebook.”Kung sino man ang nakabasa nito, this is a disaster. Fashion police please… She’s a diva, not a rock star, and not also a lesbian.”

Pero mukhang komportable naman si Charice sa bago niyang look!

Tsuk!

o0o

IBABALIK ng Philippine Movie Press Club ang tradisyon na ang Star Awards for Movies ang unang nagbibigay ng parangal sa lahat ng award giving bodies. Sa Miyerkules, March 14, na ang 28th PMPC Star Awards For Movies. Ito ay gaganapin sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City ng eksaktong alas-5 ng hapon.

“Mas maningning at masigla ang gaganaping Star Awards for Movies. Mahigit na isang daang pelikula na ipinalabas last year ang dumaan sa screening bago nagkaroon ng nominasyon. Pagpapatunay lamang na buhay ang industriya ng pelikulang Pilipino,” deklara ng Pangulo ng PMPC, ang inyong lingkod.

Ang mga host ng Star Awards ay ang mahuhusay na actor at actress na sina Aga Muhlach,  Derek Ramsay, KC Concepcion at Anne Curtis.

Guest performers sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jake Cuenca, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Pauleen Luna, Ciara Sotto, Rodjun Cruz, Gab Valenciano, Robert Seña at Anja Aguilar.

Kakarerin na talaga ni Anne Curtis ang pagiging singer dahil hahandugan niya ang audience ng isang fabulous opening number with the Maneouvers. Bibirit  ng kanta at sasayaw ang Pinay-Australian actress. Pero ‘wag mag-aalala ang mga certified singer kay Anne dahil aminado ito na hindi siya singer kundi isang performer.

Ang Airtime Marketing, Inc., ang producer ng 28th Star Awards For Movies sa pamumuno ni Ms. Tess Celestino at ididerehe ito ng Direk Al Quinn.

Igagawad naman ng PMPC kay Mr. Eddie Gutierrez ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kung saan ay si Ruffa Gutierrez ang presenter at si Direk Marilou Diaz-Abaya bilang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera na si Cesar Montano naman ang presenter.

Ang awards night ay mapapanood sa ABS-CBN, Channel 2, sa March 18, Sunday, 10 p.m.

Ang mga sponsors ng Star Awards for Movies ay EastWest Bank, UK Derma Pharma, Inc., Mc Donalds, Alaska Evaporada and Condesada, Laguna Lake Development Authority, Novuhair, Cedrix Slimming and Wellness, Torque Mobile Phones, Michelis, Reyes Haircutters, Queen Petals Flower Shop.

Star of the Night by EastWest Bank, Mr. & Ms. Great Shape Cedrix Wellness, Face of the Night UK Derm Pharma Inc, Radiant Skin of The Night Jiao Ming Glutathione Soap.

o0o

SA THE Witness, isang international movie ay gumanap si Gwen Zamora bilang si Angel Fordeliza Isagani, a general manager of a hotel who has transferred from Manila to a Jakarta hotel.

She is haunted by strange dreams about a young man named Aris who attempted suicide by firing his own gun into his mouth.

Saan nahirapan na mga eksena si Gwen sa pelikula?

“Yung mga stunts, ako mismo.

“Yung nahulog ako from the second floor to the ground.”

May double naman raw siya…

“Kasi slow siya… may double yung mabilis (na eksena) pero yung slow, ako.

“Pero parang hindi daw ata ipapakita yun kasi nagka-problem sa editing.

“Pero baka, there might be parts yata na ipapalabas.”

Paano siya napapayag na siya mismo ang mahulog mula sa second floor ng building?

“Kasi parang safe naman, e. Kasi from the second floor to the swimming pool, hindi naman sa concrete ako babagsak. Sa swimming pool ako nahulog so parang exciting, and I want to do that.”

Directed by Muhammad Yusuf and produced by Skylar Pictures and released by GMA Films, ipapalabas ang The Witness sa March 21 sa mga sinehan nationwide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply