Ang long ng hair mo teh: Miguel Vera babalik ng Pinas para kay AiAi delas Alas

BEFORE, kay Miguel Vera lang umiikot ang buhay ni AiAi delas Alas to the extent na dahil sa kabaliwan ng komedyana, give niya lahat ang datung sa kanyang paparu as in, nasaid talaga ang sikat na komedyana. Pero ngayon kapag ask mo si Miguel sa kanya, blangko na ito na parang wala silang nakaraan ng dating sikat na ballader na nagpasikat ng classic song na Nais Ko. (Tuyoters na kasi teh at wala na ni katiting na freshness! Hahahahaha! – Ed).

Pero hindi na hate ni Aiai si Miguel at matagal na silang may communication nito sa Amerika kung saan matagal ng naninirahan doon ang singer at may iba ng pamilya. At kaya may connect pa sila’y dahil may anak ang Comedy Concert Queen dito na si Nicolo at may balita na uuwi raw ito ng bansa para um-attend sa graduation ni Nicolo sa High School.

Mismong anak na raw ang nag-request sa kanya kaya hindi ito matanggihan ni Miguel. Well, sa mga gustong mang-intriga at bigyan ng kulay ang pagbabalik bansa na ito ng dating Viva artist ay mukhang mabibigo kayo dahil super inla-babu na raw si Aiai sa boyfriend nitong young rich businessman na nagma-may-ari ng isang francise ng KIA Motors. Magkikita ang dalawa alang-alang sa kanilang anak at hindi sa kung ano pa man. Pero malay natin baka kiligin uli ang komedyana kapag nakita nito uli si Miguel. Let’s wait and see na lang gyud!

***

Donya Alicia gagamitin ang lahat mapabagsak lang si Olivia sa ‘Mundo Man Ay Magunaw’

BAWAT tagpo sa “Mundo Man Ay Magunaw” ay kaabang-abang talaga lalo na ngayong nararamdaman na ni Donya Alicia (Tessie Tomas) na unti-unti nang nawawala sa kanya ang sunud-sunurang apong si Jennifer (Nikki Gil) magmula ng nakalabas ng kulungan ang kinamumuhiang manugang na si Olivia (Eula Valdez) at nagpakilala na kay Jenn na siya ang tunay na ina nito.

Ginagawa ni Donya Alicia ang lahat ngayon para mapigilan ang pagkikita ng mag-ina at ang apong si Sheryl naman ang ginagamit nito para muling maibalik sa kulungan si Olivia na siyang gusto niyang mangyari para hindi na  maagaw ang apong si Jenn. Para magawa ng mas madali ang maitim na balak ay kinuha ng donyang ito ang serbisyo ni Sheryl para magtrabaho sa kanyang kompanya habang unti-unting sinisiraan nito si Olivia sa anak nito tulad ng pinalalabas nitong mamamatay tao ang character ni Eula kaya nakulong.

Sinabi ito ni Sheryl kay Olivia at pinaliwanagan naman siya nito na iniligtas lang niya ang kanyang anak na ihuhulog noon ng pinakasalang si Carlos (Christoper Roxas) na anak ni Donya Alicia na aksidenteng napatay niya.

Naunawaan naman kaagad ni Sheryl si Olivia at nangako siyang hindi magpapadala at magpapagamit sa among si Donya Alicia.

Samantala, konting panahon na lang at malalantad na ang tunay na pagkatao ni Sheryl na ito ang batang iniligtas ng inang si Olivia sa kamay ng kanyang ng step-father na si Carlos. Mangyayari ito sa muling pagkikita ni Olivia at kapatid na si Leilani (Slyvia Sanchez) na kinikilalang nanay ni Sheryl na kanyang ipina-rehab para matigil na sa kanyang bisyo sa alak at sugal. Tiyak na babaha ng luha kapag nadiskubre na ni Olivia ang matagal ng lihim na itinago sa kanya ng kapatid na may malaking inggit sa kanya at nang-agaw ng lalakeng minamahal at pakakasalan sana noon na si Dante (Emilio Garcia).

Masuwerte itong si Olivia at parating nasa tabi at sumusuporta sa kanya ang amo sa pinapasukang restaurant na si Allan Paule na may lihim na gusto sa kanya. At para makasama ka sa paglantad ng katotohan at hindi mabitin panoorin ang ang mga susunod pang episode ng Mundo Man Ay Magunaw mula Lunes hanggang Biyernes 2:30 ng hapon sa Kapamilya network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply