Ang taray!: Lovi Poe dalawa agad ang nomination sa Star Awards for Movie

MINSAN lang mangyari sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club na ang isang artista ay may dalawang nomination agad sa isang award’s night.

Nominated kasi si Lovi Poe sa dalawang category – Best Supporting Actress para sa Yesterday, Today, Tomorrow at sa Temptation Island ng Regal para sa Best Actress.

N’ung bagong pasok pa lang si Lovi sa showbiz, napansin agad siya ng Philippine Movie Press Club sa unang mga project niya. Aba! ginawaran din siya ng Best New Actress for TV and Best New Actress for Movies.

Di lang naman ang PMPC ang nakapapansin sa kagalingan ni Lovi sa pag-arte. May acting award din siyang natanggap sa FAMAS, Enpress, Cinemalaya at iba pang award-giving bodies.

Taon na nga ni Lovi ang 2012. Napakaganda kasi ng role niya sa Legacy kung saan nag-shine talaga ang kanyang talent sa soap na ito ng GMA[-7 na top rating sa kanyang timeslot.

Di matatawaran ang role niya sa Legacy na iba’t ibang dimension ng emotion ang kanyang ipinakikita.

000

PINALAKPAKAN nang husto si Derrick Monasterio nang lumabas last Saturday night bilang panauhin sa isang show sa Zirkoh, Morato. Aba, gulat kami nang tawagin ng host ng show na si Derrick ang bagong Theme Song Prince. Bale magkasunod na pelikulang ginawa at ire-release ng GMA Films ang siya ang nakuhang umawit ng theme song. Kabilang dito ay ang My Kontrabida Girl na leadstars sina Aljur Abrenica at Rhian Ramos at ang Indonesian produced film na The Witness, na bida si Gwen Zamora at release ng GMA Films.

Sa My Kontrabida Girl, inawit nina Derrick Monasterio at Julie Anne San Jose ang madamdaming song na Sa Aking Puso, samantalang sa The Witness naman ay solo lang si Derrick na inawit ang Before I Die.

Nagpapasaya rin kay Derrick ngayong Marso ay ang pagiging contender niya bilang Best New Actor ng Star Awards for Movies para sa The Road.

Kung magwawagi si Derrick bukas, Wednesday (March 14) sa Star Awards for Movies na gaganapin sa Meralco Theater at 5pm, 2nd time na niyang manalo dahil last year ay napagwagian niya ang Best New Actor for TV para sa Tween Hearts.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply