Ang totoong kontrabida sa buhay ni Rhian Ramos…bow!

TULUYAN na nga bang naka-move on si Rhian Ramos sa trauma niya sa isang BF na bumaboy sa kanya? Sa interview kasi rito in connection with the promo of My Kontrabida Girl, panay na’ng halakhak ng GMA7 star.

Nakatatawa na siya nang malakas di ba gaya nu’ng huling bahagi ng 2011 kung saan pumutok ang matinding problema sa pakikipagrelasyon niya kay DJ Mo Twister.

Aminado si Rhian na nakatulong ang pagbabakasyon niya sa ibang bansa upang kahit paano ay maibsan ang problemang sinapit niya.

“Kung hindi pa ako natuto sa nangyari sa akin, ewan ko na lang! Ha! Ha! Ha! Naging magulo man ang mundo ko bago ako nagbakasyon, at least ngayon, maraming magagandang nangyarari sa akin.

“I have to be thankful for that lalo na sa family ko, sa fans ko na lagi akong binibigyan ng gifts, letters and food sometimes.

“Pati nga sa GMA, nagpapasalamat ako sa pagpayag nilang magbakasyon muna ako. Now, I have to be strong at mag- focus ngayon sa trabaho,” paliwanag ni Rhian.

Bukod kasi sa MKG, bumalik na rin si Rhian sa hosting niya sa Manny Many Prizes at naka-schedule siyang gumawa ng ilang episodes sa Spooky Nights.

May naka-line-up na rin siyang series na gagawin pero ayaw muna niyang ilabas ang ilang detalye.

’Yun nga lang, nag-resign na ang tiyahin niyang si Ida Henares sa GMA Artist Center na ikanatutuwa naman niya dahil magkakaroon na ito ng time sa family niya.

Aware rin naman kasi si Rhian sa intriga sa kanilang magtiyahin.

“Hindi ko nga alam kung bakit kami inintriga na parang as if siya ang may-ari ng network. Hindi naman. Manager ko siya. Katulad naman ng kahit na sinong manager, siyempre, kahit sinong alaga niya, aalagaan niya.

“Siyempre kung sino ang alaga nila, Artist Center pa rin ako, tapos, iku-co-manage ako ni Tita Ida at saka ni Tito Ronnie (Henares),” pagtatanggol ni Rhian sa tiyahin.

Advantage na rin sa kanya na wala na ang tiyahin sa GMA.

“Nagtatrabaho naman ako. Hindi naman ako parang nakaupo lang sa bahay na parang… bigyan ninyo ako ng project. Hindi naman ganoon, nagtatrabaho naman ako kung ano ang ibinibigay sa akin,” rason ng aktres.

Siyanga pala, kumusta naman ang demandang isinampa nilang mag-ina?

“Ah, it’s in the works. May sumusubok nang sumusubok na i-delay, pero hindi naman… hindi naman gumagana, in fairness!

“So, saka magagaling ang mga lawyer ko. Saka, so far, mabait ang judge.

“Nakaka-intimidate pala ’pag kaharap mo siya pero mabait siya,” sagot ni Rhian.

Tatlong buwan nagbakasyon si Rhian. Gaano siya kadalas umiyak noon?

“Ha? Ilang linggo? Hindi ko naman binilang at saka… at saka nag-o-on-off ang mood ko, eh. Parang hindi ko masasabi na wala. Hahaha! Hindi ako makasagot nang maayos,” kuwento niya.

Bakasyon, pagbisita sa daddy at pag-file ng kaso ang ilan niyang sinabing ginawa sa pagkawala niya.

Totoo bang ayaw na niyang pumunta sa Singapore?

“Sorry?” tanong ng aktres sa amin.

“Hindi na ninyo kailangang idiin! Madiin enough na… hahaha!” saad niya.

“Sabi ko nga sa sarili ko, buti, wala akong ginagawang masama,” dagdag niya.

At least siya, naka-move-on at makakabalik sa showbiz.

“Hahaha!” tawa lang niya.

Kung sakaling makabalik, posas ang katapat ni DJ Mo at sumenyas si Rhian na naka-cross ang kanyang fingers, huh!

Pagdating naman sa lovelife, pinabulaanan din ni Rhian ang pagkakaugnay sa kanya ni KC Montero at ng anak ni Sen. Ping Lacson na si Jec Lacson.

“Sorry at pati sila nada-drag sa akin. Ka-chruch ko si Jec at ’pag lumalabas kami, marami kaming magkakasama. Despite ng pagkaka-link niya sa name ko, nandiyan pa rin siya as a friend,” deklara ni Rhian sa inuugnay sa kanyang bagong lalaki.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply