Angel Locsin gustong makatrabaho sina Bea, Angelica, Anne at Vice Ganda

SA PANAYAM ng Philippine Entertainment Portal (Pep.ph) kay Angel Locsin, natanong ang dalaga kung sinu-sino ang nais nitong makatrabaho pagkatapos ng success movie nito with John Lloyd Cruz na “Unofficailly Yours.”

Ayon sa dalaga nais niyang makatrabaho sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Anne Curtis. Nais niyang makasama sa iisang proyekto ang tatlo.

Sinabi rin ng magandang aktres na sa mga lalaki ay nais niyang makasama sa proyekto ay si Vice Ganda.

Naikwento rin ni Angel na nais sana niyang magpahinga sa paggawa ng pelikula pagkatapos ng hit movie with Lloydie ngunit aniya ay mayroon na namang ilulutong pelikula para sa kanya ang Kapamilya network.

Ani Gel, ibabahagi niya ang detalye ng gagawing pelikula kapag na-finalize na ito.

Mapapanood si Gel sa Toda Max every Saturday sa Primetime slot ng ABS-CBN, kasama sina Vhong Navarro, Pokwang at ang guwapong si Papa Robin Padilla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply