Angel proud sa Golden Boot Award ni Phil

PROUD ang aktres na si Angel Locsin sa tagumpay na nakamit ng Philippine football team Azkals sa katatapos na AFC Challenge Cup na ginanap sa Nepal at sa Golden Boot Award na nsungkit ng dyowang si Phil Younghusband.

Sa kaniyang Twitter account, binati ni Angel ang dyowa at sinabing proud siya sa naging achievement nito.

“Congratulations @PhilYHusband for scoring the most goals in afc challenge cup! So proud of you! #goldenbootboy,” tweet ng aktres.

Gumawa ng kasaysayan ang Azkals nang mag-third place sa nasabing tournament at gapiin ang Palestine, sa iskor na 4-3, kahapon (Marso 19).

Ang papa ni Angel lang naman ang ginawaran ng Golden Boot Award, ang award na ibinibigay sa manlalaro na may pinakamaraming goal sa buong torneyo.

Magugunitang naka-anim na goal si Phil na siyang nakatulong upang maging third place ang Pilipinas sa AFC Challenge Cup.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply