Annabelle Rama, Vilma Galvante bati na

NATULDUKAN na rin sa wakas ang awayang Annabelle Rama at Wilma Galvante.

Yes tama, korek at korak, bati na ang kontrobersyal na talent manager at ang VP for Entertainment Group ng GMA-7 na malapit ng magretiro.

Sa wakas, nabawasan ng kaaway ang mommy ni Ruffa Gutierrez.

Balitang si Annabelle ang gumawa ng move para magkabati sila ni Galvante.

Bukod pa diyan, inamin din ni Annabelle na siya nga ang nagpapadala noon ng mga “hindi kagandahang” text kay Galvante.

Matatandaan na matagal din ang alitang Annabelle-Wilma at matagal ding naging laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, diaryo at maging sa internet.

Ang tanong ngayon: Eh sina Annabelle at Nadia Montenegro kailan magkakabati? Mangyari kaya ito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply