Anti carnapping law papangilan

MAS palalawakin at papangilan ng House committee on revision of laws ang Anti Carnapping Act of 1972.

Sa inihaing House Bill 5931 ni Tarlac Rep. Jeci Lapus, ipinagbabawal at mapaparusahan na ang sinumang gagawa ng “identity transfer” o paglilipat ng pagmamay-ari sa isang sasakyang deklaradong “total wreck” na ng mga awtoridad.

Tinukoy ni Lapus na ang identity transfer ay paglilipat ng engine number, chassis number, body tag number, plate number at iba pang pagkakakilanlan ng behikulo kung saan irerehistro ito sa ibang factory ng kaparehong model ng sasakyan.

Pinaaamyendahan din ni Lapus ang Section 14 ng RA 6539 na may kaugnayan sa mga ipinapataw na parusa sa mapapatunayang sangkot sa carnapping.

Nais ng mambabatas na gawing non bailable ang nasabing krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply