Apela sa yaman ni Marcos ibinasura ng SC

IBINASURA na ng Korte Suprema ang apela ng pamahalaan sa kaso ng ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ibinasura ng SC en banc ang motion for reconsideration ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Ayon sa korte, pawang rehashed ang mga argumento na inihain ng PCGG.

Una nang pinagtibay ng kataas-taasang hukuman ang desisyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa motion to admit supplemental officer of evidence na inihain ng PCGG kaugnay sa kasong sibil laban kay dating Pangulong Marcos at iba pa kaugnay pa rin sa isyu ng nakaw na yaman.

Kaugnay nito, ibinasura rin ng SC en banc ang hiling ng pamahalaan na boluntaryong mag-inhibit sa kaso si Chief Justice Renato Corona dahil sa pending impeachment trial nito.

Ang kaso ay may kaugnayan sa iligal na pagkakabili ng major shares sa Eastern Telecommunications Phils. Inc. pabor sa mga Marcos.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply