Aplikante sa pagka-Deputy Ombudsman for Luzon sasalain

SASALAING mabuti ng Judicial and Bar Council (JBC) ang 12 mga aplikante para sa susunod na hihiranging Deputy Ombudsman for Luzon.

Ang nasabing proseso ay pamumunuan ni Supreme Court Justice Renato Corona.

Nagtakda ang JBC ng public interview sa Marso 28.

Ang nasabing posisyon ay nabakante ni Francis Jardeleza na naitalaga na bilang Solicitor General.

Ang hihiranging Deputy Ombudsman for Luzon ay may pitong taong termino sa ilalim na rin ng Saligang Batas

Kabilang sa mga naghahangad sa nasabing posisyon ay sina Marifi Chua, Arthur Melchor Carandang, Marivic Balisi-Umali, Geraldine Faith Econg, Victorio Mario Dimagiba, Diosdado Calonge, Jose De Jesus, Rudiger Falcis II at Raul Marifosque na pawang mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman

Kabilang din sa mga aplikante ay sina  Presidential Commission on Good Government Gerard Mosquera at Graft Investigator Roque Damian Dator.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply