Apo ni Andal Ampatuan sumuko sa militar

SUMUKO kay Army Major Col. Mayoralgo dela Cruz, commander, 1st mechanized brigade ang isa sa miyembro ng Ampatuan clan at suspek sa malagim na Maguindnao massacre.

Ayon kay Dela Cruz isinuko sa kanya ang sugatang si Anwar Ampatuan Jr., alyas Ipeh, anak ni dating mayor Anwar Ampatuan matapos masabugan ng bomba kasama ang anim pang MILF sa Bgy. Libutan Mamasapano,  Maguindanao isang MILF recognized area.

Nabatid  na tinawagan si Dela Cruz ni Sharif Aguak Mayor Sahara Ampatuan, nanay ni Ipeh Ampatuan upang isuko ang kanyang sugatang anak kaya personal siyang sinundo ng opisyal at dinala sa Notre Dame Hospital sa Cotabato para maoperahan.

Kasunod nito, tinurn over naman ni Dela Cruz ang batang Ampatuan sa kustodiya ng Marines at PNP kung saan isinilbi ang warrant of arrest sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply