Aral sa nangyayari kay GMA

MAHIHIRAPAN na talagang makabangon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at lahat ng mga taong nasa inner circle niya noong panahon na nasa kapangyarihan pa siya.

Bagama’t naka-hospital arrest na si GMA sa Veterans Hospital dahil sa kaso na electoral fraud ay isang warrant of arrest pa rin ang ipinalabas ng 4th Division ng Sandiganbayan dahil sa hiwalay na kasong graft.

Inilabas ang warrant kaugnay ng naudlot na maanomalyang US $329.4 milyong kontrata sa pagitan ng National Broadband Network (NBN) at ZTE Corp.

Kasama  ring ipinaaresto ang asawa niyang si dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr. at dating Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza.

Ilan pa lang iyan sa mga kaso na isinampa na laban sa kanila at marami pa siyang kaso nang katiwalian na haharapin sa mga darating na panahon.

Ang mga nangyayaring ito kay GMA ay dapat maging babala sa kasalukuyang mga nasa poder, na huwag gamitin ang kanilang po-sisyon para magsamantala at umabuso sa kapangyarihan.

Dahil punom-puno  ng anomalya ang mga proyektong pinasok nina GMA noong panahon nila ay inuulan sila ngayon ng kabi-kabilang kaso.

Sinusuportahan ko ang determinasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na habulin at papagbayarin ang mga taong alam niya ay responsable sa iba’t ibang katiwalian noong nakaraang administrasyon.

Tama ang ginagawa niya dahil magsisilbi itong babala sa mga tauhan niya na nakapuwesto ngayon para maghinay-hinay sa mga pangungurakot na ginagawa nila.

At sa bahagi pa rin ng kampanya ni Pangulong Noynoy laban sa korapsyon, sana naman ay maparusahan talaga ang lahat ng nagkasala at nagsamantala noong nakaraang mga panahon. Alam naman kasi natin na marami sa kakampi ngayon ni Pangulong Noynoy ay dating mga kasama rin ni GMA at kumita at nagsa-mantala rin ng husto noong panahon niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply