Ari-ariang dapat ipaliwanag ni Corona tinapyasan

ANIM na ari-arian na lamang ang dapat ipaliwanag ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Senate court.

Ayon kay senator-judge Francis Escudero, nasa anim na lamang ang dapat ipaliwanag ng depensa dahil maliban sa limang inamin mismo ng punong mahistrado, nabawas na rin ang pitong ari-arian batay sa naging pahayag ng testigong si Demetrio Vicente.

Sa panig ng prosekusyon, 21 ang kanilang kinukuwestiyong ari-arian ng punong mahistrado na hindi tumugma sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng punong mahistrado.

Sa natuklasang pagbago sa bilang ng mga akusasyon ng prosekusyon, binalikan ni senator-judge Jinggoy Estrada ang kampo ni lead prosecutor Rep. Niel Tupas na umabot daw sa 45 ang kwestyunableng ari-arian ni Corona.

“Ibig ba sabihin na noong iprinesenta ninyo iyong sulat ng LRA ay ‘di niyo nilinis iyong mga pagmamay-ari ni Chief Justice Corona, basta lang ibinrodcast ninyo sa publiko iyon? Did you just make it appear that Chief Justice Corona really or truly owns those 45 properties?” tanong ni Escudero kay Tupas.

“No, actually 24 siya minus 3 kaya naging 21 siya. Noong nag-request po kami doon sa Land Registration Authority at ang ibinigay sa amin noong araw na iyon, mayroong 45 properties at may presumption of regularity,” sagot naman ni Tupas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply