Ariza: Chavez Jr. ‘sinakal’ ni Arum

TILA sinasakal umano ni Top Rank boss Bob Arum ang mga alaga nitong boxer kabilang na sina Julio Cesar Chavez Jr. at Manny Pacquiao.

Ito ay dahil sa pagbibigay nito ng 2-fight extension sa kontrata ng Mehikano na dapat sana, ayon kay world-class strength-and-conditioning coach Alex Ariza, ay libre.

“As with anything…that everything that comes out of Bob’s mouth is completely untrue and it’s a lie. The truth of the matter is that Bob put a 2-fight extension in the contract as a condition to Julio fighting on June 16th, and that was supposed to be for free, for nothing; he just threw it in there,” wika ni Ariza.

Idinagdag pa nito na ginawa ni Arum ang extension na dalawa pang laban, mga 15 buwan bago matapos ang kontrata ni Chavez.

“It’s actually 15 months before his contract with Top Rank is even up. Why would he do something like that just for free? And if he didn’t sign that extension, Bob threatened to have Julio sit…this guy is really senile and delusional walking around. He needs to get this clear, he’s been exposed,” giit ni Ariza.

Binigyan diin ni Ariza na ang career ng mga boksingero ay binabalam ni Arum at inaalisan ng karapatang makalaban ng maraming beses.

Ani Ariza, sinabi na niya kay Pacquiao ang bagay na ito at mging kay Amir Khan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply