Arraignment kay Ampatuan posibleng mabinbin

POSIBLENG mabinbin ang nakatakdang arraignment ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) para sa kasong electoral sabotage ni Andal Ampatuan, Sr. sa Marso 15 (Huwebes) dahil sa patuloy itong nakararanas ng karamdaman.

Ayon sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), patuloy na nakararanas ng iba’t ibang sakit ang dating Maguindanao governor.

Magugunita na si Ampatuan Sr., ay unang itinakbo sa Taguig-Pateros Hospital at kalaunan ay inilipat sa V. Luna AFP Medical Center sa Quezon City dahjil sa pagsusuka ng dugo.

Sinabi ni BJMP Director Rosendo Dial, batay sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor sa V. Luna Hospital mayroong pneumonia, hypertensive cardiovascular at diabetes ang dating gobernador na idinadawit sa Maguindanao massacre.

Ayon pa kay Dial, under observation pa rin si Ampatuan Sr. at patuloy na sumasailalim sa laboratory test.

Nauna rito, kinatigan ng Pasay RTC ang inihaing motion ng kampo ni dating Maguindanao provincial elections supervisor Lintang Bedol para gawing mas maagsa sa Marso 19 ang arraignment sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Pasay City RTC Branch 112 Felda Domingo, itinakda ni Judge Jesus Mupas ang pagbasa ng sakdal kay Bedol, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Andal Ampatuan, Sr. sa Marso 15 kasabay ng pagdinig sa mosyon ni dating Pangulong at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpiyansa.

Una nang naghain ng mosyon si Atty. Renaldo Princesa, abogado ni Bedol, na gawin sa Marso 13 ang arraignment upang makasabay sila sa pagdinig ng motion to bail ni dating Pangulong Arroyo.

Sinampahan ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong electoral sabotage sina Bedol, dating Pangulong Arroyo, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Andal Ampatuan, Sr. at dating Comelec chairman Benjamin Abalos kaugnay sa naganap na dayaan sa 2007 election. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply