Arraignment kay Ampatuan Sr. naunsyami

HINDI nakadalo sa arraignment ng kasong electoral sabotage si dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr., sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kanina.

Ito ay dahil naka-confine pa ito sa AFP Medical Center sanhi ng ilang iniindang karamdaman.

Itinakda ang pagbasa ng demanda sa matandang Ampatuan para sa nasabing kaso sa Lunes, March 19.

Gayunaman, ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay RTC, nakadepende sa magiging kondisyon ni Ampatuan Sr. kung matutuloy ang arraignment sa Lunes.

Dahil dito, inatasan na ng korte ang AFP Medical Center na isumite ang pinakahuling medical report ni Andal Sr.

Kanina, inihatid ng mga tauhan ng BJMP ang sulat na pirmado ng Quezon City Jail annex OIC Warden, kung saan ang medical condition ni Ampatuan na batay sa pagsusuri ng AFP Medical Center.

Ayon sa naturang pagamutan, kailangan pang manatili ni Ampatuan sa ICU.

Ang pagkaka-confine ni Ampatuan sa AFP Medical Center ay batay sa kautusan ng Quezon City RTC Branch 221 na siyang dumidinig sa kasong may kaugnayan sa Maguindanao massacre.

Sa kabilang dako, nasimulan na rin ang unang pagdinig sa petition for bail nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating Comelec supervisor Lintang Bedol.

Kanina, nagkasundo ang depensa at prosekusyon na gawin muna ang pre-marking ng exhibit at documentary evidence kaya inaasahang tatagal pa ito.

Bukas (Marso 16) naman itinakda ng korte ang pagsusumite ng pangalan ng mga testigo ng Comelec.

Nagkasundo na gawin na lamang 12 ang 42 testigo na hawak ng Comelec.

Itinakda ang panibagong araw ng pagding sa nasabing petisyon nina Ginang Arroyo at Bedol sa March 22.

Inatasan din ng korte ang AFP Medical Center na isumite ang pinakahuling medical report ni Andal Sr.
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply