Arraignment kay Andal Sr sa electoral sabotage case tuloy ngayon

TULOY ang arraignment ng electoral sabotage case ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112 ngayong araw.

Nabatid na ang abogado ng matandang Ampatuan na si Atty. Albert Lee Angeles pa lamang ang nasa korte ngayong umaga.

Naka-hospital arrest ngayon si Andal Sr. sa AFP V. Luna Medical Center sa Quezon City na na nagkaroon ng pneumonia at diabetes.

Ayon sa ulat, nasa mabuting kalagayan na ang matandang Ampatuan matapos ang pagsusuri ng doktor sa Philippine General Hospital (PGH).

Kapag hindi umano nakapagsumite ng kanyang manifestation si Andal Sr. ay posibleng siyang ma-contempt.

Maaalala na noong nakalipas na linggo, nausyami ang arraignment ng dating gobernador dahil sa kanyang pagkakasakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply