Arraignment kay GMA itinakda sa Abril 11

ITINAKDA na ng Sandiganbayan sa Abril 11 ang pagbasa ng sakdal kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa graft charges na isinampa laban sa kanya ng office of the Ombudsman na may kaugnayan sa NBN-ZTE deal.

Ngayong araw, kukuhanan ng fingerprints sample si Ginang Arroyo ng mga kinatawan ng Sandiganbayan Fourth Division sa kanyang detention room sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ayon kay 4th Division Clerk of Court Jeoffre Zapata, ito ay bahagi ng proceedings para sa bail requirements ng dating Pangulo para sa NBN-ZTE case.

Magugunitang nitong nakaraang linggo, pinayagan ng Anti-Graft Court ang hirit ng dating Pangulo na sumailalim sa bail proceedings sa VMMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply