Asawa ng ex-Brgy. Capt. binoga, patay

NASAWI ang asawa ng dating barangay captain makaraang barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa Tanuan City, Batangas umaga ng Linggo, Marso 18.

Kinilala ang biktima na si Josephine Macandili, 53 ng Barangay 7, Tanauan City.

Nabatid na inaasikaso ni Macandili ang Batch ’78 Class Reunion ng Tanauan Institute sa gymnasium nang bigla na lang itong barilin sa ulo ng suspek na naka-bonnet pasado alas-10:00 ng umaga.

Dinala pa sa Mercado Hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.

Si Josephine Macandili ang asawa ni dating Barangay 7 Chairman Ipoy Macandili na napatay din matapos barilin ng hindi pa rin kilalang suspek noong Setyembre 11, 2001.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Tanauan Police habang inaalam pa rin ang motibo ng pamamaril.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply