Attention to all PHLRC Riders; Bongbong binira si PNoy!

FIRST, tinatawagan ng pansin ang lahat ng kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), na wala po tayong aktibidad bukas, Marso 11, maliban sa Medic Team na magkakaroon ng emergency meeting bukas ng alas-9:00 ng umaga sa NPC-Manila.

Gayunman, pinakikiusapan ko ang lahat ng PHLRC riders na ‘wag mag-absent sa 2nd Annual Meeting ng ating samahan sa darating na Marso 18, 2012, alas-9:00 ng umaga, sa National Press Club (NPC) dahil may malaking “BREAK’ para sa ating lahat. Malalaman n’yo iyan sa Marso 18.

***

BINABATI natin ng happy christening si Darrel D. Moje, anak ni Mr. Dan Moje at Rosemarie Moje. Ninong ang reporter ng BAGONG TORO na si Bryan Onofre. Nakalimutan ‘ata akong imbitahan? Ha ha ha!

***

Happy Pinoy Hot Line reading sa ating mga kaibigan diyan sa People’s Park in the Sky sa Tagaytay City na sina Emma Miguel, Noel Javier at Ronald Lanting.

***

Happy Pinoy Hot Line reading din kay Ralph S. Damole, may-ari ng Restricted Art (Ang Tindahan na Personalan) diyan sa CMA Mall, Gate 2, Cogeo, Antipolo City, Rizal.

***

Samantala, nais ko munang pasasalamatan ang lahat ng nagte-text dito sa Pinoy Hot Line lalong-lalo na roon sa mga nagbibigay ng reaksyon at komentaryo hinggil sa maiinit na isyu sa bansa.

Sana, hindi malungkot iyong iba nating kababayan sakaling ‘di man malathala ang kanilang mga tinext… bukod po kasi sa gahol tayo sa ating espasyo, ‘yung ibang text ay lagpas na po sa deadline. But anyway, tuloy-tuloy lang sa pagte-text. Lahat po ng text ninyo ay nabasa ko.

Sa ibang dako, medyo mainit ang ating talakayan ngayon. Tungkol ito sa pambibira ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay President Benigno Aquino III kung saan pinabulaanan niya ang pahayag na si PNoy ang may pakana sa nagpapatuloy na impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona.

Haaaaay, ano na naman kaya ang masasabi ng ating mga kababayan dito? Basa…

***

si ABNOY ang PINAKA MADALDAL na Presidente
—Sam Sung

***

That’s correct! kumukuha pa sya ng public support para i condition ang isipan ng mga tao na ang nasasakdal ay isang kriminal.
—John

***

pag ang issue is about kay corona and the impeachment trial, asahan mo, may sagot kagad ang palasyo galing sa presidente. Pero pag ang issue ay tungkol dun sa mga dapat solutionan kaagad gaya ng mga nangyayaring krimen kahit saan at pagtaas ng mga bilihin at gasolina. Tikom bibig naman ang malacanang. Good job mr. president!
—Migs

***
haay si PNOY ang male version ni KRIS…soooooo daldal!
—Alex

***

Kung gusto ni Pnoy makialam, umalis na sya sa pagpapresidente, mag senator nalang sya ulit para matanong nya c Corona. Sa bagay Abnoy, pareho cla ng kapatid nya dakdak ng dakdak. Bilang presidente wag sana sya makiaalam sa Senate tungkol kay Corona, kaya naman cguro yan ng Senado natin.
—Jughead

***
one word. ang dahilan kung bakit madaldal yan si panot. GAY
—Royal Blood

***
Sana unahin ng Goverment ung mga nasalanta ng Lindol, Baha, Victims na mga karumaldumal na Krimen .. tama na muna yang papogi a este politica pala..mas maraming bagay na importante….
—Jay

***

ganyan tlaga pag loser ka at lagi kng binubuli nung bata ka eh pag laki mo at nsa kapangyarihan ka ikaw naman ang mangbubully
—Patrick

****

Para sa inyong reaksyon at opinyon hinggil sa pagputok ng malalaking isyu sa bansa, mag-text sa 09192848266
o mag-email sa evendemata@gmail.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply