Australian national ‘dinukot’ sa NAIA

MALAKI ang posibilidad na dinukot ang isang Australyano na iniulat na sampung araw nang nawawala buhat ng dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dumulog na sa Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group si Venis Jane Galvez para i-report ang nawawalang kasintahan na si Michael Martin Caruana, 55-anyos.

Ayon sa pahayag ni Galvez, dumating si Caruana noong Marso 17 sa Pilipinas dahil nakatakda silang ikasal bukas (Marso 29) sa Bulacan.

Nahuli aniya sila sa pagsundo sa kasintahan dahil sa sobrang trapik.

Pinangangambahan ni Galvez na mayroong dumukot sa mapapangasawang Australyano.

Batay sa record ng Bureau of Immigration (BI), kumpirmadong dumating sa bansa si Caruana noong Marso 17 dakong 8:44 ng gabi sakay ng Singapore Airlines flight SQ918.

Hindi rin ito ang unang arrival ni Caruana sa bansa, dahil bumisita na ito sa kasintahan noong Enero 16, 2012.

May record pa sa CCTV ng NAIA Terminal 1 ang pagdating ni Caruana. Nakita si Caruana patungo sa Immigration area at ang isa naman ay habang papunta siya sa arrival extension.

Ayon sa PNP, hindi nila inaalis ang anggulong dinukot ang banyaga.

Sabi ni Sherwin Somido ng PNP Aviation Security Group malaki ang kanilang hinala na pinag-interesan ng isang taxi driver ang banyaga.

Pinag-aaralan na ng PNP ang CCTV dahil posibleng may Filipino na kausap si Caruana na posibleng tumangay sa kanya.

Nanawagan naman ang awtoridad at ang kampo ni Galvez na kung mayroong impormasyon ang publiko hinggil sa nawawalang Autralyano ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Aviation Security Group ng PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply