Aviation standards ng PHL maraming depekto- FAA

MARAMING pagkukulang at depekto ang Aviation Standards ng Pilipinas ayon sa US Federal Aviation Administration (FAA) sa kabila ng mga programa ng mga lokal na awtoridad para ayusin ito.

Sa ulat ng FAA, hindi umano kuwalipikado ang mga tauhan na nag-iinspeksyon ng mga eroplano at mga pasilidad ng paliparan. Sumasakay din ng libre ang mga inspector ng mga airline at binibigyan ng sertipikasyon ang mga airline kahit hindi ito pumasa sa mga panuntunan.

Dahil sa isyu ng pangangasiwa at kaligtasan, ibinagsak ng FAA ang rating ng Civil Aviation Authority of the Philippines [CAAP] noong 2007 at nabawasan ang mga biyahe patungong US mula sa Pilipinas. Ganito rin ang naging aksyon ng European Union sa pag-blacklist sa mga eroplano ng Pilipinas.

Ayon kay Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, magsasagawa ang pamahalaan ng mga hakbang para tugunan ang mga depekto at pagkukulang na lubhang makaaapekto sa airline industry sa Pinas at maging ng turismo.

Matatagalan pa umano ayon kay Roxas bago muling payagan ang mga Philippine air carriers na lumipad sa US ng walang paghihigpit sa operasyon o pinaigting na FAA surveillance.

Iginiit ng mga pangunahing airlines sa bansa na maging agresibo ang pamahalaan na maibalik ang status ng aviation upang madagdagan ang kanilng mga biyahe sa US at Europa, na inaasahan ng libo-libong overseas Filipino worker (OFW) araw-araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply