Awitin ng mga idolo tema ngayong linggo sa American Idol

AWITIN ng mga idolo ng Idol hopefuls ang tema ngayong week sa American Idol season 11 para sa performance night sa Miyerkules ng gabi (Huwebes ng umaga sa Pilipinas).

Batay sa website ng American Idol, kasama sa mga posibleng awitin ng siyam na finalist ang mga awitin nina Mariah Carey, Miranda Lambert, Lifehouse (banda), Daughtry, Led Zeppelin (banda) at RnB singer na si Beyonce na sinasabing paborito ng half-Pinay na si Jessica Sanchez.

Guest naman si Stevie Nicks na siyang magiging mentor ng top 9 ngayong linggo.

Kaabang-abang din sa programa si Nicki Minaj at ang winner ng season 10 na si Scotty McCreery, na isang country artist na ngayon.

Kasama ni Jessica sa top 9 ay sina Philip Philips, Colton Dixon, Joshua Ledet, DeAndre Brackensick, Hollie Cavanagh, Elise Testone, Heejun Han at Skylar Laine.

Noong Linggo (Marso 25) ipinakita ng The Buzz ang maiksing panayam ng programa sa mahusay na Pinay at naibahagi niya na kabilang sa kanyang mga iniidolong Pinay singers ay sina international singing sensation Charice Pempengco at Sarah Geronimo.

Tinanong din ng The Buzz sina Heejun Han at Philip Philips kung ano ang masasabi nila kay Jessica. Sinabi ng dalawa na mahusay na singer ang 16-anyos na dalaga.

Samantala, nag-tweet (Twitter) naman si Jessica na excited siya at gustong-gusto niyang mag-concert sa Pilipinas.

May umuugong na balita na kabilang si Jessica sa mga kasali sa concert tour ng American Idol ngayong summer.

Noong nakaraang taon (2011) kasama ang half-Pinay na si Thia Megia sa concert ng AI sa Pinas. Si Thia ay umabot hanggang Top 9 noong nakaraang season.

Pupunta kaya sila dito sa Pilipinas para mag-concert?

Yan ang abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply