Ayaw na raw pero ayaw namang pakawalan!

HANGGANG ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung nagkabalikan nga ba ulit sina Lovi Poe at Ronald Singson. Lalo pa’t madalas pa rin silang nakikitang magkasama sa mga lakaran.

Paglilinaw naman ni Lovi nang makausap namin…“No. No. We’re… uhm, friends. Yes, of course! I want to keep the friendship between us. There’s no way naman that I can just throw away that friendship… or whatever relationship it was. Lagi kaming nagkakasama sa mga events because ‘yong friends ko, friends rin niya. So… same circle of friends kami.”

Choice ba niya na maging friends na lang sila ni Ronald?

“Yeah. Kasi ano, e… for me, it’s important to focus muna sa work. Kasi, uhm… this is all I have. This is what I need to focus on my work.”

Aware ba siya sa tsismis lately na ang bagong girlfriend daw ni Ronald ay dating naging isa sa mga PBB (Pinoy Big Brother) housemates na si Jamila Obispo? Any comment on this? “I don’t know,” matipid na sagot ni Lovi.

Okey lang siya na magkaroon ng bagong karelasyon si Ronald?

“Well, you know… matagal na rin naman ‘yon,” naging relasyon nila dati ni Ronald. “And of course, marami na rin naman tayong ano… napagdaanan. It’s okay.”

Hindi siya mahi-hurt? “No. I think I’ve done my part na… ayon, okey na.”

May panghininayang ba siyang nararamdaman sa nangyari sa kanila ni Ronald?

“No. Because for me naman kasi, it’s very easy to go to… to enter into another chapter. It’s not gonna be hard for me.”

Open na ba siya for another relationship?

“No. I just wanna work. Kasi marami ngang magandang kinapupuntahan ‘yong trabaho ko ngayon.”

She go out on dates?

“Yeah!”

She also entertain suitors right now?

“I do.”

Non-showbiz daw ang karamihan sa mga manliligaw niya ngayon. Mas type niya na hindi artista o kilalang personalidad na lang para mas tahimik? “Yeah. And you know with me kasi… it’s never quiet. Hindi ko alam kung bakit. Hahaha!”

Pero hindi naman mangyayari na…meron na pala siyang bagong boyfriend at inililihim lang niya?

“No… no… no. Oo. Hindi ko ililihim sakaling meron.”

Talagang career muna raw ang priority niya. Mas inspired daw siyang magtrabaho after winning the Supporting Actress Award sa katatapos na 28th PMPC Star Awards For Movies. “Of course… everytime naman, I get really inspired. Hindi lang naman dahil sa award kundi in every project na ibinibigay sa akin. At sinuwerte naman ako. They always give me good roles. And I’m very thankful na pinagkakatiwalaan nila ako ng gano’ng mga klase ng proyekto.”

May bulung-bulungan na kapag natapos na raw niya ang seryeng “Legacy” kung saan isa siya sa mga bida, malamang na umalis na raw siya sa GMA7 at lumipat na rin sa ABS-CBN. May offer nga ba sa kanya ang Kapamilya Network?

“I still have my contract sa GMA. I still have one year pa.”

So may isang taon pa for her para mag-isip if she will remain as a Kapuso star o lilipat na siya sa Channel 2?

“No. I’m happy naman,” nangiting sabi ni Lovi.

“I’m thankful naman. Focused ako sa Legacy. And… happy naman ako.”

Sobrang suwerte siya sa kanyang career right now. How’s her love life naman? “It’s fine. I Just keep it on  hold. I think it’s best that I work first. And… maganda ‘yong napupuntahan ng trabaho, e.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply