Ayuda sa niratrat na Malacañang reporter siniguro

SINIGURO ng Malakanyang na kanilang ibibigay ang ano mang tulong sa pamilya ni Malacañang reporter Fernan Angeles, binugbog saka pinagbabaril sa Pasig City kagabi.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakikipag-usap na sila sa misis ni Angeles para sa kinakailangang assistance ng kanyang pamilya.

Handa rin ang palasyo na bigyan ng seguridad ang pamilya ni Angeles na agad na ring nag-utos sa awtoridad para sa malalimang imbestigasyon sa insidente.

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon pa rin si Angeles na may tama ng anim na bala ng baril sa katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply