Azkals bigo sa Turkmenistan, 2-1

NAUNSIYAMI ang target ng Philippine football team Azkals na makaabanse sa finals ng 2012 AFC Challenge Cup makaraang talunin ng Turkmenistan sa kanilang naging laban ngayong gabi sa Kathmandu, Nepal.

Ito ay matapos mahabol ng kalabang grupo ang unang goal na ginawa ni Phil Younghusband, 28 minuto matapos simulan ang kanilang laban kanina.

Makaraan ang 80 minuto ng laro ay nakaisa rin ang Turkmenistan sa pamamagitan ni Amanov Arslanmylat na hindi na nagpaawat pa matapos gumawa pa ng isa pang goal para maiwanan ng isang puntos ang Azkals, 2-1.

Sa Lunes muling lalaban ang Azkals sa grupong tatalunin ng Palestine at North Korea para sa ika-tatlong pwesto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply