UPDATE: Azkals talo sa North Korea, 2-0

HINDI umubra ang Azkals sa defending champion na North Korean matapos silang unahan na makapuntos sa unang sultada ng AFC Challenge Cup at maitala ang 2-0 panalo ng huli.

Sa first half ng laro ay napanatili ng Pilipinas ang mahigpit na depensa pero bigo namang makaiskor sa kalaban.

Sa second half,  nakalusot ang North Korea na agad naka-dalawang goal.

Naging pisikal naman ang laro kung saan ilang Azkal players ang bumagsak kabilang na ang mismong goalkeeper na si Neil Etheridge na unang dinaluhan ng medics nang nahablot ang kamay ng isang manlalaro ng North Korea.

Ilang minuto bago matapos ang laro ay isinabak ni coach Hans Michael Weiss si Chieffy Caligdong pero hindi rin nakatulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply