James, Guirado ‘di makalalaro sa laban sa Turkmenistan

HINDI makapaglalaro sina midfielder James Younghusband at Angel Guirado sa semi-final match laban sa Turkmenistan sa Biyernes.

Ito ay matapos na makakuha sina James at Guirado ng dalawang Yellow Cards sa torneyo.

Nakasaad sa AFC Challenge Cup rule book na kapag ang player ay nakakuha ng dalawang Yellow Card ay awtomatikong suspindido ng isang laro.

Sina James at Guirado ay nakakuha ng Yellow Card sa naging laban nila kontra India at sa group elimination match laban sa Tajikistan kagabi (Marso 13).

Dahil suspindido ang dalawa, marami ang nagsasabi na tagilid ang lineup ng Philippine football team sa kanilang laban sa Turkmenista.

Magugunitang, malaki ang naiambag ni James sa panalo ng Azkals sa laban nila sa India at Tajikistan.

Binigyan ni James ng magandang pasa ang kapatid na si Phil Younghusband para maitala nito ang dalawang goal laban sa India.

Si Guirado naman ang nakapasok ng ikalawang goal na tumuldok sa panalo ng Pilipinas kontra Tajikistan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply