Azkals tinalo ang Tajikistan, 2-1

MULING nagpakitang gilas ang national football team Azkals nang talunin ang Tajikistan sa kanilang katatapos lamang na laban sa 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal.

Matatandaan na kahapon ay tinalo rin ng Azkals ang India sa iskor na 2-0, pawang goal ni Phil Younghusband.

Kanina, unang gumawa ng puntos si Younghusband na sinundan naman ni Angel Guirado.

Dahil sa panalo ng grupo, pasok na ang Azkals sa semi-finals kung saan kanilang kahaharapin ang North Korea, Turkmenistan at Palestine.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply