Azkals umaskad ang reputasyon

JULY 2011 nang akusahan ni FHM model Amanda Coling ang mga miyembro ng Azkals na sina Neil Etheridge, Simon Greatwich, Jason Sabio at Anton del Rosario ng panggagahasa. Ngunit hindi naging matatag sa kanyang laban si Amanda at tumigil na lamang ito. Siya tuloy ang inakusahan na nanggamit lamang sa mga football players para umano makaentra siya sa showbiz.

Subalit may nakapagsabi sa amin na ang nasabing pang-aabuso diumano ay nakunan na isa sa kagrupo ng mga inireklamo. Gayunman, wala pa naman kaming narinig kung may nakapanood na nito.

Anyway, may bago na namang reklamo sa dalawang miyembro ng koponan na sina Angel Guirado at Lexton Moy. Binastos daw ng mga ito ang ang anak ni dating pangulong Fidel Ramos na si Cristy Ramos, former Philippine Olympic Committee president.

“When I checked Philippine player Angel Guirado [No. 12] he stood in front of me purposely just wearing his briefs and made no attempts to wear shorts or cover his underwear,” ayon sa salaysay ni Cristy sa kanyang complaint letter at incident report.

“Philippine player Lexton Moy (No. 25) stood by my right side and said in a loud voice ‘must be a B cup,’ to which the players laughed loudly,” pahayag pa rin ng dating presidential daughter para sa pangalawang nambastos sa kanya.

Ano ba ang pinaggagawa ng grupong ito ni Phil Younghusband? Nakahihiya na. Pinag-uusapan na raw sila sa buong mundo at ng kapwa nila manlalaro sa larangan ito dahil sa kanilang mga kalokohan.

Hindi pa nga nakapag-uuwi ng titulo puro kabulastugan na ang pinaggagawa. Sabagay, bagama’t may dugong Pinoy ang mga ito, hindi pa rin maitatangging mas lamang ang dugong dayuhan sa kanila na sana’y sa bastusan. Katunayan, sa London ay ordinaryo na lang sa kanila ang maglakad ng hubad sa kalsada o magbisikleta ng hubo’t hubad. Pero ibahin nila ang Pilipinas dahil pinahahalagahan dito ang pagkababae ng isang Pinay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply