Bad breath sintomas ng malalang sakit

MAY bad breath ka ba? napapanahon na upang magpasuri sa isang dalubhasang manggagamot.

Ang bad breath o halitosis ay kadalasang hindi namamalayan ng isang taong may taglay sa sakit na nilalayuan o nagtatakip ng ilong ng kanyang kausap.

Kadalasang ang halitosis ay may kaugnayan sa poor oral hygiene ng isang tao o poor digestion na nagreresulta upang maglabas ng hindi kanais-nais na amoy ang ating bibig.

Sa ilang kaso ang hindi magandang amoy sa inyong bibig ay sintomas na may karamdaman ka na pala tulad ng impeksyon sa bibig, maaari rin may sakit kang diabetes, tonsillitis, dental infection at kadalasang malala pa tulad ng kidney failure.

Kaya naman kung sa tingin mo ay ginagawa mo na ang lahat ng paraan para mawala ang inyong halitosis ngunit di pa rin ito umuubra ay mas magandang magpakonsulta na kayo ng isang doktor upang malaman ang tunay ninyong kalagayan.

At para naman sa mga poor hygiene lang maaring gumamit ng herbal-based toothpaste o baking soda-based tooth powder para ito magamot.

Kailangan ding pansamantalang gumamit ang isang taong may taglay na bad breath ng mouth freshener sa tuwing haharap sa taong kinakausap para hindi maging kahiya-hiya at hindi iwasan ng mga taong nakakausap. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply