Bagets naboga ng sariling tatay

NASA kritikal pa ring kondisyon ang isang binatilyo sa Vicente Sotto Memorial Medical Center matapos aksidenteng mabaril ng kanyang tatay sa Brgy. Sangad, San Fernando, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Roberto Avila Sr., 42, habang ang kanyang anak ay si Rafael, 14.

Nililinis ng suspek ang kanyang improvised shotgun nang mahulog at pumutok na tumama naman ang bala sa kanyang binatilyong anak sa puwet.

Nahaharap naman sa kaso ang suspek.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply