Bagitong pulis nilikida sa Surigao City

ISANG bagitong pulis ang pinaslang sa Surigao City sa ulat ng pulisya ngayon.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan si P01 Jake Azarcon matapos pinagbabaril hanggang mapatay kaninang alas-6:45 ng umaga sa Km. 13, Brgy. Quezon, Surigao City.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, habang sakay ng kanyang single na motorsiklo si P01 Azarcon kasama ang asawa at anak nang bigla  na lamang may tatlong lalaki ang lumapit sa kanila at binaril ang biktima.

Unang tinamaan sa ulo ni P01 Azarcon na sinundan pa ang ilang bahagi ng katawan agad niyang ikinamatay.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply