Bagong hot na leading man si Aljur Abrenica!

NAKADISKUBRE ng bagong leading man material ang GMA sa katauhan ni Aljur Abenica. Sa pelikulang My Kontrabida Girl ay pinatunayan nitong kayang-kaya na niyang magdala ng sariling proyekto nang hindi kasama ang kanyang ka-loveteam na si Kris Bernal.

Kahit pa si Rhian Ramos ang nasa title role, pansin na pansin talaga ang presence ni Aljur sa pelikula.

Babad ang kanyang matipunong pangangatawan sa halos lahat ng eksena niya. At sa wakas nagkaroon tayo ulit ng isang Pinoy na Pinoy ang itsura na leading man na kayumanggi ang kulay ng balat. Biglang-bigla ay parang naluma ang lahat ng mga mestizong leading man kay Aljur! Kaya Dingdong Dantes, Dennis Trillo and company, kwidaw kayong lahat sa kanya!

Tiyak na marami na ang naka-miss kay Rhian sa self-imposed na pagbabakasyon niya sa showbiz kaya naman magandang regalo ang My Kontrabida Girl sa kanyang fans. Sa lahat naman ng pumapapel na kontrabida, kay Rhian ka maku-cute-an nang husto. Kahit todo taray to the max na ang ginagawa niyang pananaray sa movie ay hindi mo lubos na makuhang magalit sa kanya.

At may chemistry silang dalawa ni Aljur, in fairness. Maski kami ay napaluha sa tender moments ng dalawa sa movie. Panalo rin ang tween tambalan nina Bea Binene at Jake Vargas na halatang ang daming fans. My Kontrabida Girl is surely GMA Films’ Valentine’s offering in March!

***

SPEAKING of Jake Vargas, siya na yata ang pinaka-busy sa lahat ng Kapuso stars. Bukod tanging siya lang ang may apat na regular shows sa GMA. Namely: Alice Bungisngis, Walang Tulugan, Pepito Manaloto at Tween Hearts. Madalas din siyang lumalabas sa Party Pilipinas kung may natitira pa siyang free time!

Ang BNY Unltd ay aware sa kasikatan ngayon ni Jake Vargas kaya naman kinuha siya ng mga ito para maging celebrity endorser ng sikat na brand clothing na pambagets. Dahil din dito kung bakit may narinig kaming tsismis na hindi na raw inire-renew ng BNY ang contract ng mga ito kay Joshua Dionisio pagka-expire nito dahil nandyan na si Jake.

Siyempre ang taong nasa likod ng pamamayagpag ngayon ng showbiz ni Jake ay walang iba kungdi si Kuya Germs. Marami tuloy ang nang-iintriga rito kung hindi raw ba siya natatakot na masulot si Jake sa kanya?

Marami ang aware sa showbiz na marami na ang pumapel kay Nora Aunor buhat nang nagkaroon ng successful comeback ang Superstar last year at ngayon nga ay naitsapuwera na siya sa pamamalakad ng career nito.

“May kontrata ako kay Jake kaya hindi siya pwedeng basta-basta na lang masusulot ng kahit na sino. Isa pa, ano pa ang hahanapin ni Jake at ng pamilya niya? Ako ang manager na hindi kumukuha ng komisyon kaya saan ka pa? Buong-buo na napupunta kay Jake ang lahat ng kinikita niya,” pahayag ni Kuya Germs.

Puro papuri rin ang nasasabi ni Kuya Germs sa kanyang alaga. Napakabait daw ni Jake sa pamilya nito. At kung may malaking kita itong nakukuha tulad sa pelikulang My Kontrabida Girl at product endorsement na BNY ay sini-share nito ang kanyang pera sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya kasama na rito ang mga tito, tita at mga pinsan nito.

***

SI BETONG pa rin ang guest ngayong Biyernes sa Bubble Gang dahil tuwang-tuwa ang production staff sa kanya sa galing niyang magpatawa. Kasama siya sa Kung Fu gags at Soridon-Saridon (Stamp) commercial spoof.

Nabuhay si Bongbong at may tatlong nagsumbong na naman sa kanya sa Sumbong-Sumbong.

Alamin kung sino ang E-Healer na isang quack doctor para sa gadgets. Alamin ang mga unbelievable na mga kuwento sa Itong Mas Matindi at Hayop Sa Usapan.

Nandiyan ang mga fave regular niyo na Cheche Bureche, News Balita, Ang Dating Doon at Moymoy Palaboy (Lately-Stevie Wonder).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply