Bagong import ng TNT ipaparada na

ISANG bagong import sa katauhan ni Donnell Harvey ang ipaparad ng Tropang Texters sa laro nila ngayong hapon kontra sa Air21 Express sa pagpapatuloy ng

Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ng Tropang Texters ang malinis na tatlong panalo sa pakikipagbangga nila sa Air21 Express na may 1-2 win-loss slate.

Si Harvey na lehitimong National Basketball Association veteran player ay nakapaglaro sa New Jersey, Denver, Dallas, Orlando at Phoenix.

Kagagaling lang ni Harvey sa paglalaro sa Tianjin Ronggang team sa Chinese League kamakailan.

Kasunod na laro maghaharap naman ang Barangay Ginebra (3-1) kontra Meralco Bolts (1-4) alas-7:30 ng gabi na kungsaan sisikapin ng Ginerbra na mapanatili ang kanilang segunda puwesto sa single-round robin ng Commissioner’s Cup na kung saan anim na koponan ang mapapatalsik sa pagtatapos ng eliminations.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply