Bagong laya, balik kulungan

BALIK kulungan ang isang bagong laya matapos agawan ng cellphone ang isang matapang na dalaga sa Caloocan City, kagabi (Marso 27).

Nakilala ang suspek na si Gil Kalupas, 21 ng Sawata, Maypajo ng lungsod.

Galos naman sa magkabilang tuhod at siko ang inabot ni Stellar Mendoza, 22 ng Hala-Hala St., Maypajo ng nasabi ring lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:00 kagabi, naglalakad papauwi ang dalaga malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang suspek at hinablot ang kanyang cellphone.

Hindi bumitaw ang biktima na naging dahilan upang makaladkad ng ilang metro.

Nang makuha ang cellphone ay agad na tumakbo ang suspek subalit sumisigaw na hinabol ito ng dalaga upang makahingi ng tulong.

Huminto ang suspek at pinutukan ang dalaga na pinalad na hindi tinamaan hanggang sa magdatingan ang mga tanod at nagawang dambahin ang suspek.

Nabawi ang cellphone ng biktima habang nakuha sa suspek ang paltik na kalibre .38.

Nabatid na bagong laya si Kalupas sa kasong robbery.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply