Bagong SALN form hinarang ng Kamara

ITIGIL muna ang implementasyon ng bagong form ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ito ang iniatas ng Kamara sa Civil Service Commission (CSC) sa ginanap na pagdinig ng House committee on civil service and professional regulation.

Iginiit ni Leyte Rep. Andres Salvacion, na kailangan munang pag-aralan at talakayin sa Kongreso ang bagong format ng SALN.

Bukod dito, ipinasusumite na rin ni Salvacion ang paliwanag ng CSC dahil sa pangamba na lalabagin nito ang karapatan ng mga public official at employees.

Sa ilalim ng revised SALN form na pinagtibay ng CSC, kailangan nang idetalye ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno ang lahat ng kanilang ari-arian, koneksyon at mga kamag-anak sa gobyerno kasama na ang halaga ng kanilang mga personal expenses at halaga ng mga binabayarang buwis.

Subalit ayon kay Salvacion, hindi kakayanin ng isang ordinaryong empleyado ang pagkuha ng mga private lawyer o serbisyo ng mga accountant para tulungan sa pagsusumite ng kanilang SALN.

Matatandaan na tinutulan na rin ng mga miyembro ng minorya sa Kamara ang pagpapatupad ng bagong form ng SALN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply