Bagong SALN form ng CSC, hindi na gagamitin

PINURI ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Civil Service Commission (CSC) sa pagbabasura ng bagong statement of assets, liabilities and net worth (SALN) form na dapat gagamitin sana ng mahigit 1.5 milyong kawani ng pamahalaan para sa 2011.

Sa pahayag na ipinalabas ngayong araw, sinabi ni Pimentel na nararapat lamang na hindi muna ipatupad ang bagong SALN form ng CSC dahil masyadong masalimuot ang pagtatala ng impormasyon sa bagong porma.

“For the sake of millions of government workers, we are glad that ordinary government employees have been spared from additional suffering from what would have been a draconian measure. Having deferred the use of the new SALN form, the CSC should now seek broader consultations with government employees who will be affected by changes to the SALN,” ayon kay Pimentel.

Kamakailan, inihain ni Pimentel ang Senate Resolution No. 710 na nananawagan ng imbestigasyon kung sumasang-ayon sa batas ang bagong porma ng SALN na itinakda ng CSC para sa 2011.

Pansamantalang ipinagpaliban naman ng CSC ang pagpapatupad ng bagong SALN para sa 2011 habang nakabinbin ang panukala para sa muling pagsusuri sa iba’t ibang isyu na sumasaklaw sa bagong porma.

“We must be aware that public school teachers, policemen, health workers and other government workers are being racked by sky-rocketing prices of goods and services. It would be an unjust situation if they were further burdened by having to fill up a SALN form that exposes them to possible harassment and yet does not guarantee to be a deterrent to corruption,” ayon kay Pimentel.

Idinagdag pa ng senador na kung tuluyan nang ipagagamit ng CSC ang bagong porma, nangangailangan pa ng tulong ng abogado at accountant sa paglalagay ng impormasyon dito na siyang magbibigay ng panibagong pabigat sa bulsa ng kawani ng gobyerno.

“Even if the charges don’t prosper, the ordinary government employee may suffer anxiety apart from possibly losing days at work and thereby, possibly lose some income,” ayon kay Pimentel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply