Bagong SALN form hindi dahil sa kaso ni Corona

IDINIIN ng Civil Service Commission (CSC) na hindi dahil sa kasalukuyang kinakaharap na impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaya kanilang ipinagagamit ang bagong form para sa paghahain ng statements of assets, liabilities and networth (SALN).

Ani Dir. Ariel Ronquillo ng CSC-Office for Legal Affairs,  noong nakaraang taon pa nila ipinanukala ang bagong SALN form na layunin ay maging “filer-friendly” para sa public servants na nauna nang sinuportahan ng Malakanyang.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tama lang ang kapasyahan ng CSC para mapag-aralan nila ng husto at matiyak na makapag-comply ang lahat.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply