Bahay ng mambabatas natupok sa Cebu

NAABO ang bahay ng isang partylist representative sa halos apat na oras na sunog sa Cebu.

Nabatid na naganap ang sunog sa compound ni ANAD partylist Rep. Jun Alcover sa Sitio Sambag St Jude. Phase 1, Brgy. Gulacao, Cebu City.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, may 12 kabahayan sa nasabing sa compound ang nilamon ng apoy.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nag-umpisa sa bahay ng kapatid ni Rep. Jun Alcover na si Jonathan Alcover.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply