Bahay sa Amerika, sa anak ko — Corona

INAMIN na ni Chief Justice Renato Corona na sa kanila ang isang bahay sa Roseville, California pero ito aniya ay binili ng kanyang anak mula sa sahod bilang physical therapist noong 2008.

Ayon pa sa punong mahistrado, may kakayahan ang kanyang anak na bumili ng bahay sa Amerika dahil may trabaho naman ito na naka-base na sa nasabing bansa ilang taon na rin sa pamamagitan ng 10 percent downpayment at 30-taong amortization.

Nabuking ang bahay ni Corona sa US matapos ibulgar ng blogger/journalist na si Raissa Robles.

Ayon kay Robles, bumili si Charina, anak ni Corona ng ari-arian sa United States noong Setyembre 2008, 22 araw lamang bago siya bumili ng magarang condominium unit sa The Fort, Taguig City.

Dagdag ni Robles, kumuha ng $245,000 loan si Charina upang bayaran ang kanyang bahay sa Roseville, California, na mayroong tag price na $269,500 o halos P11.5 milyon.

Kung matatandaan, sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban sa punong mahistrado, si Charina rin ang lumalabas na buyer ng unit sa McKinley Hill na aabot ang halaga sa P6.19 milyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply