Bail hearing naudlot, Abalos emosyunal

NAGING emosyunal si dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr., nang maudlot ang inihaing motion to fix bail sa Pasay City Regional Trianl Court (RTC) kaninang umaga.

Nag-init din ang ulo ni Abalos nang itakda ni Pasay City RTC Judge Eugenio dela Cruz ang pagdinig sa nasabing mosyon sa April 18.

Sa pagsisimula ng hearing, inihayag ni Judge Dela Cruz na naabisuhan siya ng Comelec prosecution na hindi makadadalo dahil may sakit ang kanilang testigo na si daring South Cotobato supervisor Lilian Radam.

Bigo rin ang prosekusyon na iharap ang isa pang testigo na so Yogie Martizar, ang dating South Cotobato election supervisor.

Ipinaliwanag ni Judge Dela Cruz, na magiging corroborative ang testimonya ng bawat isa kung hindi maipiprisinta ng Comelec sa itinakdang pagdinig si Radam. Mawe-waive na makapagprisinta ang Comelec ng kanilang testigo.

Dismayado si Abalos at ang abogado nitong si Atty. Brigido Dulay na nagsabing hindi naging handa ang prosekusyon sa magaganap na hearing ngayon.

Sakaling hindi muling maiprisinta ng Comelec ang kanilang testigo sa susunod na pagdinig, naniniwala si Atty. Dulay na dapat nang payagang makapagpiyansa ang kanyang kliyente dahil nahihirapan na ito sa loob ng temporary detention call sa Southern Police District (SPD).

Binigyan ng 10 araw ang prosekusyon para magkapagkomento sa motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Abalos kaugnay sa pagkuwestiyon nito sa hurisdiksyon ng korte o motion to quash sa kanyang kaso.

Limang araw naman ang ibinigay sa abogado ni Abalos para makapagsumite ng kanilang rejoinder bago madesisyunan ng korte ang naturang usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply