Bakbakan ng magkaaway na pamilya sa Maguindanao muling sumiklab

MARAMING sibilyan ang nagsilikas dahil sa muling pagsiklab ng bakbakan sa magkaaway na pamilya sa Maguindanao na nag-umpisa pa kagabi.

Ayon kay 6th Infantry Division public affairs chief Col. Prudencio Asto, muling nagpang-abot bandang 8:55 ng gabi ang mga armadong tauhan nina Andy Montawal at Butz Sanday alyas Kumander Butz ng 108th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sitio Tilapas, Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.

Hindi pa tiyak hanggang sa kasalukuyan ang bilang ng nasawi at nasugatan sa nasabing bakbakan.

Dahil dito, iniutos na ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto”Mangudadatu si Datu Montawal Mayor Utto Montawal na ayusin ang nasabing gusot na kinasasangkutan ng kanyang kamag-anak at isang opisyal ng MILF.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply