Bakit may OWWA at POEA pa?

SIGURO ay gasgas na ang paksang ito. Malamang sawa na ang magagaling na pinuno natin sa isyu ng mga OFW o Overseas Filipino Worker. Eh bakit ba hindi, wala ng ginawa ang mga ito kung hindi ngumawa na hindi sila importante sa ating
pamahalaan.

Pero isipin ninyo, tayo lang yata ang bansang may sangay ng pamahalaan na dapat ay nakatutok sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Yang OWWA at POEA na sobra kung makahingi ng pera at require-ments sa mga maghahanapbuhay sa ibayong dagat pero sobrang kupad kung umaksiyon sa nangangai-langan na kababayan natin doon.

Isipin ninyo, sangkatutak din naman ang mga Chinese, Korean, Vietnamese at Hindu na naghahanapbuhay sa labas ng bansa nila, pero ng mag-research ako, parang wala silang POEA at OWWA. Lahat ng kailangan ng mga mamamayan nila sa ibang bansa ay inaasikaso ng mga embassy nila.

Direct diplomatic approach ang solusyon ‘ika nga. Nagsisimula pa lang ang problema nakatutok na agad ang embahada nila at ang ambassador ay direkta ang partisipasyon.

At malakas ang representasyon ng mga embahada nila, lalo na ang labor attache’ na siyang may responsibilidad sa lahat ng tao nilang naghahanapbuhay doon. Eh tayo, POEA at OWWA na nasa Pilipinas ang may sakop sa mga OFW natin. Ang mga ambassador at consul natin ay mistulang hari sa mga assignment nila, na para bang hindi pera ng mga OFW doon ang nagpapasuweldo sa kanila.

Ang masakit pa niyan, pag OFW, parang basahan kung tratuhin sa mga embahada natin. Sa Singapore na lang, isang OFW doon ang nakasabay ko sa embahada, at dahil ako ay isang journalist, inuna ako ng tao doon at balak pahin-tayin pa ang OFW.

Hindi naman ako nagmamadali kaya sinabi ko na unahin na yung OFW. Pero hindi yun ang punto. Ang punto, pag OFW ka, para sa mga embassy worker natin, isa kang second class citizen, dapat maghintay at pabor ang serbisyong ibibigay sa inyo.

Mali ito dahil ang working class ang first class citizen dapat. Ang mga taong “solid wage earners” na nagba-bayad ng “proper taxes all around” ang siyang dapat na binibigyan ng unang serbisyo.

Ito ang katangian na ma-kikita sa lahat ng malagong republika. Lahat ng mayamang ekonomiya ay inuuna ang working class nila dahil ito ang “solid foundation” ng kanilang economy.

At wala silang POEA at OWWA na walang ginawa kundi pahirapan ang mga kababayan natin sa ibang bansa na naghahanapbu-hay dahil walang trabaho rito. So bakit ba may POEA at OWWA pa?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply