Baklas VAT sa langis muling inihirit kay PNoy

MULING humirit ang isang transport jeepney leader para pakinggan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panawagan ng taong bayan na alisin na ang Value Added Tax (VAT) sa petroleum products, matapos mapabalita kanina na muling tataas ang presyo ng langis anumang araw mula ngayon.

Sa panayam, sinabi ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor ng Pilipinas (LTOP), dapat ng pakinggan ng administration ang hiling nang taong bayan.

Ayon kay Marquez 100% nilang inaayunan si Vice-President Jejomar Binay sa pronouncement nito na dapat talagang tapyasan kundi man alising tuluyan ang VAT sa petroleum products.

Nauna na ring sinabi ng ilang members ng House of Representatives na panahon na talaga na tapyasan kundi man alisin ang VAT sa langis.

Sinabi ni Marquez sa ngayon ay hindi lang ang transport sector ang humihingi ng tuluyang pagtanggal ng VAT sa langis kundi maging ang private sectors.

Kaugnay nito sinabi ni Marquez sa kalagayan ng transport industry ngayon, dapat nang ibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P.50 provisionary fare hike habang dinidinig ang P2.00 petition of fare hike na isinampa ng transport group halos 2 taon na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply